December 16, 2025

Home BALITA

PCG, handa nang sisirin Taal Lake para sa bangkay ng mga nawawalang sabungero

PCG, handa nang sisirin Taal Lake para sa bangkay ng mga nawawalang sabungero

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinaghahanda na nila ang kanilang mga technical divers para sa retrieval ng bangkay ng mga nawawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ makikipagtulungan sa PCG, Navy para sa mga nawawalang sabungerong inilibing sa Taal Lake

Sa panayam ng media kay PCG spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab nitong Miyerkules, Hunyo 25, 2025, iginiit niyang nagpapatrolya na raw sila sa lawa ng Taal upang mapaghandaan ang ibababang formal request ng Department of Justice (DOJ).

“As of now, wala pa kaming narereceive na formal request, pero upon issuance of the statement ni Secretary Remulla that time, nag-deploy na ang PCG District Southern Tagalog ng ating mga tao to conduct the seaborne patrol operations. Nakastandby na rin ang ating technical divers in case na kakailanganin na mag-start na ang operations,” ani Cayabyab.     

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Saad pa ni Cayabyab, inaasahan umano nilang magiging pahirapan ang kanilang operasyon dahil sa lalim at lawak ng Taal Lake.

“Ang nakikita naming magiging challenge is yung lalim at lapad ng Taal Lake. We have 174 meters in depth. Although may experience ang ating technical divers, per history ng kanilang operations, they just dived hanggang 100 meters in depth,” anang PCG spokesperson.

Matatandaang pinaniniwalaang nasa Taal Lake ang bangkay ng mga biktimang sabungero matapos isiwalat ng isang whistleblower na doon umano itinapon ang itinaling katawan sa sandbag ng 34 biktima.

KAUGNAY NA BALITA: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake

KAUGNAY NA BALITA:  34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake