Nagsalita na ang konduktor ng bus na sinakyan ng nag-viral na person with disability (PWD) na kinuyog ng kapwa mga pasahero.
Sa panayam ng media sa nasabing konduktor, iginiit niyang wala raw siyang alam sa nangyaring bugbugan sa loob ng bus.
“Hindi ko po nakita nag-taser eh...nalaman na lang ho namin sa video talaga eh na meron pa lang pananakit na ganon,” saad ng konduktor.
Paliwanag pa niya, “posible raw na nasa labas siya ng bus noong mangyari ang gulo sa kanilang bus.”
“Siguro po nung time na yun nasa baba ko noon eh,” aniya.
Dagdag pa niya, “Kaya noong nakita ko sa video naman, may pambubugbog na pala na nangyari. Tas ginamitan ng taser,” saad niya.
Nasuspinde ang konduktor at bus driver ng nasabing bus matapos magbaba ng hatol ang Department of Transportation (DOTr) bunsod daw ng kapabayaan sa nangyaring insidente.
KAUGNAY NA BALITA: Driver at konduktor ng bus kung saan kinuyog ang ‘nangagat’ na pasaherong PWD, bumengga sa DOTr!
Matatandaang kinuyog ang biktimang PWD matapos umano siyang mangagat ng pasahero dahil sa maingay na paggamit ng cellphone sa loob ng bus.
KAUGNAY NA BALITA: Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente upang mapanagot at matukoy daw ang pagkakakilanlan ng mga pasaherong nambugbog sa biktima.