December 13, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Kilometro daw layo! Fyang inokray, papalit sa trono ni Sarah G?

Kilometro daw layo! Fyang inokray, papalit sa trono ni Sarah G?
Photo courtesy: Screenshot from Circle of Stars, Viva Records (FB)

Usap-usapan ang naging matagumpay na "Forever Fyang" album launch concert ni Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith noong Linggo, Hunyo 22, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Siyempre pa, sumakses ito dahil sa ipinakitang suporta ng kaniyang fans at suppporters na hindi maitatangging marami talaga, kagaya rin ng marami rin siyang bashers.

Isa nga sa mga nagba-viral sa social media ay video clips ng paghataw ni Fyang sa ilang hit songs ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, kagaya na lamang ng "Kilometro."

Napansin ng faney ni Sarah na may ilang mga inihataw si Fyang na ibang-iba raw sa steps na pinasikat ni Sarah sa kaniyang song.

Musika at Kanta

Cup of Joe, nanguna bilang ‘Top Local Artist’ at ‘Top Local Group’ sa Spotify Wrapped 2025

Kaya naman, marami sa mga netizen ang nagtaas ng kilay sa mga nagsasabing si Fyang na raw ang pagpapasahan ni Sarah G pagdating sa pagiging song and dance royalty; na kayang mag-perform habang kumakanta at sumasayaw.

Pero dedma naman dito ang fans at supporters ni Fyang dahil ang mahalaga sa kanila, nai-launch na raw niya ang kaniyang album at tuloy-tuloy na raw ang pag-alagwa sa kasikatan.