Napukaw ang atensyon ng marami sa aktor na si JM De Guzman dahil sa video niya habang lumuluha.
Sa naturang video na matatagpuan sa Instagram account ni JM nitong Miyerkules, Hunyo 25, maririnig bilang background music ang “Oceans (Where Feet May Fail),” kanta ng Hillsong UNITED.
Hindi naman binanggit ng aktor ang tungkol sa dahilan ng kaniyang pag-iyak maliban sa lyrics ng kanta na nakalagay sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Hi JM! I hope you’re doing well. If you need someone to talk to just message me. Never give up"
"God is always with you brother "
"Hugsssss kuya emmm!"
"Whyyyy Loveeee "
"Hugs jm!!! You got this!"
"Where’s the authenticity or sincerity in recording yourself while crying? It’s like, wait I’m gonna cry, gotta get my phone, take a video of myself."
"Kaya moyan kung ano man pinag DADAANAN mo Ngayon may mas malala pa Sayo na kinakaya din namn."
Samantala, kapansin-pansing wala ang pangalan ng social media personality na si Donnalyn Bartolome sa comment section.
Matatandaang pagkatapos haranahin ni Donna si JM noong Mayo 2024 ay inanunsiyo niya sa kaniyang vlog na exclusively dating na silang dalawa.
MAKI-BALITA: Donnalyn Bartolome, hinarana si JM De Guzman; sinagot na nga ba?