December 13, 2025

Home BALITA

‘Di totoo!’ CICC pinabulaanan video ni PBBM na nag-eendorso ng online trading platform

‘Di totoo!’ CICC pinabulaanan video ni PBBM na nag-eendorso ng online trading platform
Photo courtesy: CICC/Facebook

Pinabulaanan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang umano'y video na kumalakat na nagpapakitang ineendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang isang trading online platform.

Mapapanood sa nasabing video na hinihikayat umano ni PBBM na panoorin ang video hanggang dulo kung saan may caption din suportado raw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong platform ng bilyonaryong si Elon Musk.

Sa Facebook post ng CICC noong Martes, Hunyo 24, 2025, sinabi ng ahensya isang deepfake ang naturang video na naglalayong linlangin ang publiko.

“Our agency has uncovered circulating misinformation online that uses a deepfake image of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to falsely claim that the Philippine Government has entered into an agreement with tech entrepreneur Elon Musk for hosting a so-called new platform,” anang CICC.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa nila, “ This is NOT TRUE. This digitally manipulated video and announcement are meant to deceive the public.” 

Nanawagan din sa publiko ang CICC hinggil sa patuloy na pagkalat ng mga peke at minanipulang impormasyon sa social media,

“We strongly urge netizens to verify first before sharing, and to rely only on official government platforms for accurate updates and announcements,” anila. “Let’s all do our part in fighting fake news and protecting our digital spaces.”