Pinulutan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang mga ibinabalandrang selfie ng ina ni singer-songwriter Jake Zyrus na si Raquel Pempengco.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” noong Martes, Hunyo 24, pinagsabihan ni Cristy si Raquel na ilagay sa ayos ang mga pinopost nito sa social media.
“Gusto niyang mapag-usapan. Aling Raquel, mabibigo ka. Kung ‘yong anak mo nga, nagmarka na…hindi na napag-uusapan, ikaw pa kaya? Aling Raquel naman, ilagay n’yo naman sa ayos ‘yang mga ginagawa n’yo,” saad ni Cristy.
Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Panay pa-cleavage talaga siya, Nay. Laban, Aling Raquel.”
“Gusto niya sigurong makipagkompetensya kay Kathryn Bernardo,” sabi pa ng batikang showbiz columnist.
Matatandaang pinaliyab ni Kathryn ang social media nang ibinida niya ang sexy pictures niya para sa pagbabalik ng highly-anticipated iconic runway show ng isang clothing brand.
MAKI-BALITA: Kathryn nagpaliyab, nagbalandra ng kaseksihan
Pero, ayon nga kay Romel, baka naman feel good lang talaga sa buhay ang nanay ni Jake kaya bet na bet nitong i-express ang sarili sa publiko.