December 14, 2025

Home FEATURES Trending

Bayad-utang sa piyansa? Boy Dila, binenta water gun kay Boss Toyo

Bayad-utang sa piyansa? Boy Dila, binenta water gun kay Boss Toyo
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Pawnstars (YouTube)

Nagsadya ang kontrobersiyal na si "Boy Dila" ng Wattah Wattah Festival sa San Juan City sa vlogger na si Boss Toyo upang ipagbenta sa kaniya ang ginamit niyang water gun sa pambabasa sa isang rider.

Matatandaang nag-viral si Boy Dila o Lexter Castro matapos magngitngit ang mga tao sa video niyang inilalawit ang dila sa isang rider habang binabasa ito gamit ang kaniyang water gun.

Dahil dito ay ipinahanap siya ni San Juan City Mayor Francis Zamora at pinag-public apology upang hindi na pamarisan ng iba. Nag-usap din si Boy Dila at ang rider para sa kapatawaran.

KAUGNAY NA BALITA: San Juan City Mayor Zamora at Boy Dila, nagkaharap na

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Ngunit kamakailan, napabalitang nakulong si Boy Dila dahil sa paglabas sa "Anti-Bastos Law" dulot ng pagsitsit daw isang babaeng menor de edad dala ng kalasingan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Boy Dila' sa Wattah Wattah Festival, kulong dahil nanitsit ng babae

Kaya nagsadya si Boy Dila kay Boss Toyo upang ipagbenta ang iconic water gun, at nang maipambayad sa ipinangutang na bail o piyansa.

“Pinangutang ko lang po ‘yong pinangpiyansa ko. Ipambabayad ko lang po ng utang," paliwanag niya.

₱15,000 ang presyo niya sa water gun subalit nabatak ito ni Boss Toyo sa halagang ₱8,500.

Sumang-ayon naman si Boy Dila at nakipagkamay kay Boss Toyo para sa closed deal.