Natatawang isinalaysay ni ABS-CBN at DZMM TeleRadyo news anchor Alvin Elchico ang "pagkuyog" sa kaniya ng mga netizen na si Gen Z matapos niyang sumigaw ng "Bembang pa more!" sa kaniyang radio program na "Gising Pilipinas."
"Gising Pilipinas! Energy, energy! Bembang pa more!" aniya.
Pero "kinuyog" daw pala siya ng ilang kabataan at pinagsabihang iba na pala ang ibig sabihin ng bembang ngayon.
Paliwanag kasi ni Alvin, sa pagkakaalam daw niya, ang ibig sabihin ng bembang ay napagalitan kaya ito ang sinabi niya, na bagay na bagay naman sa programa niya, lalo't kilala sila ng kasamahang si Dogis Bigornia sa pagbibigay ng komentaryo sa mga isyung panlipunang ibinabalita nila.
"Kinuyog pala ako ng mga kabataan dito. Iba pala ibig sabihin ng bembang sa mga batang ito!" natatawang sabi ni Alvin.
"Eh kasi naman kami, ang ibig sabihin sa amin, 'pag nabembang ako eh, ang ibig sabihin no'n napagalitan ako nang todo. Ang ibig sabihin pala sa mga bata ngayon, 'yan ay sex!"
Sey naman ni Alvin, kailangan itong ipaliwanag dahil wala namang masama sa sex dahil natural lamang itong ginagawa, pero para sa mga 40+ daw ang edad, iba raw ang ibig sabihin ng bembang.