Naaresto na ang dalawang suspek na umutas umano kay Director Mauricio "Morrie" Pulhin na nagsisilbing Chief of Technical Staff ng Committee on Ways and Means ng House of Representatives.
Sa pahayag na inilabas ni Romualdez nitong Miyerkules, Hunyo 25, tinawag niyang “critical step” sa pagkamit sa hustisya ang pagkahuli sa dalawang suspek.
“This is a promising development in our search for justice,” saad ni Romualdez.
“But this fight is far from over,” pasubali niya. “We will not rest until every person involved—whether gunman, accomplice or mastermind—is held to account.”
Bukod dito, binalaan din ng House Speaker ang iba pang suspek na hindi pa nahuhuli.
“The long arm of the law is closing in. There is no safe haven. You will be found, and you will face the consequences of this horrific crime,” aniya.
Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang naaresto bilang middleman at lookout sa nasabing krimen. Nahaharap sila ngayon sa kasong murder.
Matatandaang kinondena ni Romualdez kamakailan ang brutal na pagpaslang kay Pulhin at nanawagan sa mga law enforcement na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyari.
MAKI-BALITA: Romualdez, nanawagan ng hustisya sa pagpatay kay Pulhin