December 13, 2025

Home BALITA National

1 week advance kung tumaya! Lalaki, panalo ng 102M sa Lotto 6/42

1 week advance kung tumaya! Lalaki, panalo ng <b>₱</b>102M sa Lotto 6/42
(PCSO)

Kinubra na ng isang Cebuano ang napanalunan niyang ₱102 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42. 

Napanalunan ng lalaki ang ₱102,346,298.00 Lotto 6/42 jackpot prize na binola noong June 3, 2025 na may winning numbers na 05-22-14-03-23-11.

Ayon sa PCSO, nabili ang winning ticket sa South Town Center, Talisay City, Cebu.

Kuwento ng lucky winner noong June 11, nang kubrahin ang premyo, advance raw lagi siya kung tumaya sa lotto para hindi na raw siya magpabalik-balik. Madalas niyang tinatayaan ang birthday at edad ng kaniyang pamilya. 

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Sa lotto, pinapayagan ang mga manananaya na tumaya ng maramihan sa pamamagitan ng Advance Draw Play. 

Sa kaso ng lucky winner, binili niya ang ticket noong Mayo 27, 2025 kung saan sakop na nito ang May 29, May 31, June 3, June 5, at June 7 Lotto 6/42 draws. 

“Lagi po akong tumataya ng advance, madalas one-week advance po para hindi na ako pabalik-balik sa outlet. Noong nakita ko po ang resulta, kaba po agad ang naramdaman tapos paulit-ulit ko pong chineck. At 'yun nga po, sobrang saya ko na lahat ng numero ko tumama,” saad ng lucky winner.

Balak aniya gamitin ang napanalunan sa pag-aaral ng kaniyang mga anak at pagbili ng ari-arian para sa kaniyang pamilya. 

Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, 9:00 p.m..