January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Lahbati, nali-link sa anak ni HS Martin Romualdez

Sarah Lahbati, nali-link sa anak ni HS Martin Romualdez
Photo Courtesy: Sarah Lahbati, Martin Romualdez (FB)

How true na si Tacloban City Councilor-elect Ferdinand Martin ‘Marty’ Romualdez, Jr. ang bagong lalaki sa buhay ng aktres na si Sarah Lahbati?

Ang bagong halal na konsehal ng Tacloban ay anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda K. Romualdez.

Batay sa mga lumulutang na tsika, ilang beses na umanong naispatang magkasama nina Sarah at Marty sa magkakaibang okasyon. 

Pero sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang dalawa para kumpirmahin o pabulaanan ang intrigang umaaligid sa kanila. Bukas naman ang Balita para marinig ang kanilang panig.

Tsika at Intriga

'Si ano 'to... sikat na artista sa Pilipinas!' Vice Ganda inintrigang nagtampo, nagalit sa nakalimot sa pangalan niya

Samantala, hindi naman nakapagtataka kung maugnay si Sarah sa ibang lalaki dahil mahigit isang taon na simula nang kumpirmahin niyang hiwalay na sila ni “Incognito” star Richard Gutierrez. 

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

In fact, ayon kay Richard sa isang panayam noong Enero 2025, naka-move on na raw sila ni Sarah sa isa’t isa.

Gayunman, patuloy pa rin ang kanilang co-parenting para sa dalawa nilang anak na si Zion at Kai.

MAKI-BALITA: Richard, Sarah naka-move on na raw sa isa't isa!

Nagsimula ang alingasngas na hiwalay na sina Sarah at Richard nang mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na