Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pinakamalaking drug haul sa kasaysayan sa nakalipas na anim na buwan.
Sa latest Facebook post ng pangulo nitong Martes, Hunyo 24, sinabi niyang patuloy umanong pinapalakas ng kaniyang administrasyon ang kampanya sa “bloodless war on drugs.”
“Patuloy nating pinapalakas ang kampanya sa bloodless war on drugs. Sa pinakamalaking drug haul sa kasaysayan, libo-libong buhay ang nailigtas sa kapahamakan ng adiskyon,” saad ni Marcos, Jr.
Dagdag pa niya, “Hindi tayo titigil sa pagpapatibay ng prevention, rehabilitation, at pagpapatupad ng batas para masugpo ang kalakalan ng droga sa lahat ng antas at mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad.”
Matatandaang sa huling State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ay nauna na niyang sinabi na hindi umano pagpatay ang sagot sa pagsugpo ng mga ilegal na droga sa bansa.
“Extermination was never one of them,” aniya.
MAKI-BALITA: Extermination, hindi sagot kontra ilegal na droga