January 26, 2026

Home BALITA

Patutsada ni Conti sa mga ‘badtrip’ na nangunguyog: 'Iligo n'yo na lang 'yan!'

Patutsada ni Conti sa mga ‘badtrip’ na nangunguyog: 'Iligo n'yo na lang 'yan!'
Photo Courtesy: Kristina Conti (FB)

Tila bugbog-sarado na naman si human rights lawyer Atty. Kristina Conti sa mga kritiko niya matapos hilingin ng International Criminal Court Office of the Prosecutor sa tribunal na tanggihan ang inihaing interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA; ICC prosecution, pinare-reject sa tribunal ang interim release ni FPRRD

Si Conti ang tumatayong Assistant to Council sa ICC na kakatawan sa mga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

Kaya sa X post ni Conti nitong Martes, Hunyo 24, nakiusap ang abogada na huwag umano siyang kuyugin.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Aniya, “Para sa mga badtrip ngayon, wag nyo na ako kuyugin. Iligo nyo na lang yan.”

Matatandaang kamakailan lang ay tila nadismaya si Conti dahil sa posibleng pagpayag ng ICC prosecutor na palayain pansamantala si Duterte. 

MAKI-BALITA: Conti, ‘parang binuhusan ng malamig na tubig’ dahil sa diumano’y interim release ni FPRRD

MAKI-BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

Kasunod nito ay inalmahan ng pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga ni Duterte ang interim release na inihain ng kampo nito.

MAKI-BALITA: Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD