December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Pagtawid ng mga guro sa ilog, bunga ng kapabayaan at kataksilan sey ni Jake Ejercito

Pagtawid ng mga guro sa ilog, bunga ng kapabayaan at kataksilan sey ni Jake Ejercito
Photo Courtesy: Jake Ejercito, Jailene Tusan (FB)

Naghayag ng saloobin ang aktor na si Jake Ejercito kaugnay sa viral video ng mga guro sa Sarangani na tumatawid pa ng ilog para lang makapagturo.

Ayon sa uploader na si Teacher Jailene Tusan, pauwi na umano sila kasama ang mga co-teacher niya sa kuhang video matapos suspendihin ang klase dahil sa malakas na pag-ulan sa Sitio Banlas, Barangay Kihan, Malapatan, Sarangani.

Dahil walang anomang tulay sa lugar, nagpasya silang tawirin ang rumaragasang ilog sa tulong ng ilang residente. 

Ibinahagi ng GMA Integrated News ang naturang video ni Teacher Jailene at tinawag silang “modern-day heroes.”

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Ngunit ayon kay Jake, hinahayaan umanong hindi panagutin ng mamamayan ang gobyerno sa pagtuturing na “kabayanihan” ang ginawa nina Teacher Jailene.

“Just calling this ‘heroism’ lets the gov’t off the hook. This is plain neglect and betrayal,” saad ni Jake.

Dagdag pa niya, “These teachers and many others across the country need more than praise— they need basic dignity and real solutions.”