December 13, 2025

Home BALITA

Ivana, sumalang sa lie-detector test; hindi homewrecker

Ivana, sumalang sa lie-detector test; hindi homewrecker
Photo Courtesy: Screenshot from Ivana Alawi (YT)

Pinatunayan ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi na hindi siya nanininira ng pamilya sa pamamagitan ng lie-detector test.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Ivana noong Lunes, Hunyo 23, sumalang siya sa naturang test at isa sa mga naitanong sa kaniya ay kung nanira ba siya ng pamilya.

Pero ang sagot niya, “No.” At kinumpirma naman ng lie-detector na nagsasabi siya ng totoo.

“Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family, kasi kami nga broken family. Ano 'to? Ta's maninira ako ng family?” saad ni Ivana.

Mahigit 100 Pinoy, lumikas dahil sa sigalot ng Thailand-Cambodia

Matatandaang kamakailan lang ay nakaladkad ang pangalan ni Ivana sa kasong isinampa ng estranged wife ni dating mayor at ngayo’y Bacolod lone district Rep. Albee Benitez.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nakaladkad sa VAWC case ng estranged wife ni Albee Benitez

Batay sa isang kumakalat na sworn complaint-affidavit ng dating misis ni Benitez, nagkaroon umano ng paglabag ang kongresista sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC) dahil sa "emotional at psychological abuse" na ginawa nito sa kaniya matapos ang umano'y "extra-marital affairs" nito kay Ivana.

Ngunit ayon sa abogado ni Benitez na si Atty. Peter Sanchez, isinampa umano ni Nikki ang naturang kaso matapos simulan ng kaniyang kliyente ang annulment proceedings noong 2024.

MAKI-BALITA: Kampo ni Rep. Albee Benitez, pinabulaanan alegasyon ng kaniyang estranged wife