Hinihiling ng International Criminal Court Office of the Prosecutor sa tribunal na tanggihan ang inihaing interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.Â
âThe Prosecution respectfully requests that the Chamber reject the Defenceâs Request for the interim release of Mr Duterte,â saad ng Office of the Prosecutor sa isang 15-pahinang dokumento na may petsang Hunyo 23.Â
Isa rin sa mga nakalahad sa naturang dokumento, sinabi ng Office of the Prosecutor na may kakayahan umano si Duterte na makialam at takutin ang mga testigo kung sakaling payagan ang pansamantalang paglaya nito.
Bukod dito, nakasaad din sa request ng prosecution na may "history" si Duterte at mga kasamahaan nito ng pakikialam umano sa imbestigasyon laban sa dating pangulo.Â
Ang dokumento ay pinirmahan ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.Â
Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng legal counsel ni Duterte na naghain sila ng interim release sa ICC.Â
Ayon kay Kaufman sinunod daw lahat ni dating Pangulong Duterte ang lahat ng proseso hanggang sa madetine siya sa ICC, kung kaya't maaari siyang humiling ng pansamantalang paglaya.
BASAHIN:Â FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa
Kasalukuyang nakadetine si Duterte sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong âcrimes against humanity.â Nakatakda ang kaniyang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA:Â Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025