December 14, 2025

Home BALITA National

Flex ni Romualdez: Expanded PhilHealth coverage, 'big win' sa mga Pinoy

Flex ni Romualdez: Expanded PhilHealth coverage, 'big win' sa mga Pinoy
photo courtesy: House of Representatives, Philhealth (Facebook)

Tila ipinagmamalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapalawig ng coverage ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) para sa mga ordinaryong Pilipino.

“This is a big win for ordinary Filipinos. Para sa mga kababayan nating matagal nang nabibigatan sa gastos sa gamutan—ito po ang resulta ng pagtutulungan ng Kongreso, ng PhilHealth, at ng buong pamahalaan,” pahayag ni Romualdez sa isang pahayag nitong Martes, Hunyo 24. 

Patuloy na isinusulong ni Romualdez ang mga reporma para sa national heath insurance system upang matugunan ang mga aktwal na pangangailangan ng mga pasyente at kanilang pamilya. 

Kabilang sa mga natugunan ay ang suporta sa dialysis kung saan nagtaas ang PhilHealth ng coverage para sa hemodialysis session mula 90 hanggang 156 bawat taon, sapat na umano upang mapanatili ang mga inirerekomendang tatlong treatment kada linggo. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Bukod dito, ang reimbursement bawat session ay itinaas mula ₱2,600 hanggang ₱6,350—na sumasalamin sa kabuuang taunang suporta para sa mga pasyente ng dialysis sa halos ₱1 milyon.

“Alam ko ang hirap ng pamilya kapag may pasyenteng nagda-dialysis—madalas, kailangan mamili kung magpapagamot o kakain. Ngayon, hindi na sila kailangang mamili,” saad pa ni Romualdez. 

Itinaas din ang mga benepisyo ng peritoneal dialysis sa ₱500,000 kada taon para sa mga matatanda at ₱1.2 milyon naman para sa mga bata. 

Sakop na rin ngayon ng ang mga pediatric kidney transplant hanggang ₱2.1 milyon, habang ang adult transplants ay tatanggap ng mahigit ₱1 milyon sa total coverage—kabilang ang post-transplant care, lab tests, at essential medicines. 

“These are life-changing numbers. But more importantly, these are lifelines for families who have been praying for relief,” giit pa ng House Speaker. 

“Hindi na kailangang maghintay pa na lumala ang kalagayan para lang masabing may PhilHealth coverage. Lahat ng may emergency ay may karapatang matulungan." 

Para naman sa heart-related conditions, kabilang sa benepisyo ng PhilHealth ang ₱130,000 non-surgical treatment para sa heart attacks, hanggang ₱530,000 naman para sa procedures gaya ng angioplasty, at coverage para sa cardiac rehabilitation at ambulance transport.

“Our goal is simple: no Filipino should be denied health care because of poverty. And today, we move one step closer to that goal.”