Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental nitong Martes ng tanghali, Hunyo 24, ayon sa Phivolcs.
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol sa Balut Island, Davao Occidental bandang 2:24 nitong Martes, na may lalim na 10 kilometro.
Dagdag pa ng ahenysa, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang malakas na lindol.