Kasalukuyang hinahanap ng Bataan Animal Welfare ang nakatakas na bakang lumangoy ng halos dalawang kilometro sa dagat ng Masbate.
Ayon sa mga ulat, nasa maninipis na bakod lamang sa Matayum Lagoon sa Cataingan, Masbate nakakulong ang baka nang bigla itong nagtatakbo at tuluyang nakawala.
Sa isang Facebook post ng Bataan Animal Welfare nitong Martes, Hunyo 24, sinabi nilang nakahanap umano sila ng payapang bukid na puwedeng magsilbing tirahan ng baka.
“We’ve found a forever home for her on a peaceful farm in Masbate, owned by the sibling of animal welfare advocate Susan Espinosa,” saad ng cause-oriented group.
Dagdag pa nila, “We’ve reached out to the LGUs of Malinao and Ordoño to request her custody—but we need help making direct contact.”
Samantala, kung magpasya man ang lokal na pamahalaan na ibenta ang baka, nakahanda umano sila para lumikom ng pondo upang makuha ang kalayaan ng nasabing hayop.
MAKI-BALITA: 'Runaway cow!' Bakang nakawala sa kulungan, lumangoy ng 2km sa dagat!