December 14, 2025

Home SHOWBIZ

'Ang kulit n'yan!' Rufa Mae, pinakapasaway sa Bubble Gang, sey ni Bitoy

'Ang kulit n'yan!' Rufa Mae, pinakapasaway sa Bubble Gang, sey ni Bitoy
Photo Courtesy: Screenshots from YoüLOL (YT), Rufa Mae Quinto (IG) via GMA News Online

Sino nga ba ang pinakapasaway na nakasama ni comedy genius Michael V. o kilala rin bilang si “Bitoy” sa longest gag show na “Bubble Gang?”

Sa latest episode ng “Your Honor” kamakailan, inusisa ito kay Bitoy ng host ng programa na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.

Sagot ni Bitoy, “Si Rufa Mae [Quinto]. Pasaway si Peachy. Ang kulit niyan! Talagang ang bilis mag-shift ng attention niya.”

“Pero in fairness to her, ha,” pasubali niya, “Kahit mabilis siyang ma-distract, pagka-take na, ‘yon na ‘yon. Gagawin na niya ‘yong eksena niya.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Dagdag pa ng comedy genius, lalo raw na-distract si Rufa nang mauso ang smartphone. To the point na napapagalitan na raw ang Kapuso comedienne. 

Sa kasalukuyan, wala na si Rufa sa “Bubble Gang.” Ngunit magtatatlong dekada na itong umeere sa Philippine television.

Kaya naman nagkaroon ito ng special airing nang ipagdiwang ang 29th anniversary nito noong Nobyembre 2024.