December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Suicide bomber, namaril at nagpasabog sa simbahan sa Damascus; 20 patay!

Suicide bomber, namaril at nagpasabog sa simbahan sa Damascus; 20 patay!
Photo courtesy: via AP News

Hindi bababa sa 20 ang nasawi matapos umanong pasukin ng isang armadong lalaki ang isang simbahan sa Damascus, Syria na namaril at saka pinasabog ang kaniyang sarili noong  Linggo, Hunyo 22, 2025.

Ayon sa ulat ng AP News nitong Lunes, Hunyo 23, tinatayang pumalo na sa 63 ang nasugatan bunsod ng nasabing pang-aatake sa isang Greek Orthodox Church sa Damascus.

Itinuturing itong kauna-unahang pag-atake sa isang simbahan sa Syria sa mga nagdaang taon.

Bagama't wala pa umanong grupo ang umaamin sa nasa likod ng madugong pag-atake, ayon sa Syrian Interior Ministry, isa umanong miyembro ng ISIS ang suicide bomber na suspek.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Patuloy ang rescue operation ng Syria Civil Defense sa pagrekober ng mga katawan sa crime scene.

Kinondena na ni Syrian Information Minister Hamza Mostafa ang naturang pang-aatake at iginiit na hindi umano mapapayuko ang kanilang gobyerno laban sa mga criminal organization sa kanilang lugar.

"We will not back down from our commitment to equal citizenship… and we also affirm the state’s pledge to exert all its efforts to combat criminal organizations and to protect society from all attacks threatening its safety," ani Mostafa sa kaniyang X post.