December 13, 2025

Home BALITA

Sagot ng Palasyo sa pagsisisi ni VP Sara sa 'BBM-Sara' tandem: 'It's their loss!'

Sagot ng Palasyo sa pagsisisi ni VP Sara sa 'BBM-Sara' tandem: 'It's their loss!'
Photo courtesy: screenshot RTVM, Contributed photo

Sumagot ang Malacañang sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y pagsisisi niya raw sa tambalang “BBM-Sara” noong halalan 2022.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Lunes, Hunyo 23, 2025, iginiit niyang hindi raw kawalan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung may mga kaalyado raw itong nagsisisi sa naging ugnayan sa kaniya.

“Hindi po natin madidinig ang ganoong klase ng negatibo mula sa kaniya [PBBM]. Wala po tayong aasahan na paninira, kanino man. 'yan po ang Pangulo,” ani Castro.

Dagdag pa niya, “Kung may nagsisisi man na naka-team siya, it's their loss, not the President's.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Pumalag din ang Palasyo sa tirada ng Bise Presidente na mambubudol lamang daw ang administrasyon ni PBBM.

“Budol, talaga? Hindi ko alam kung sino ba talaga ang nambubudol. Sa nakikita po natin na pagtatrabaho ng Pangulo, sa pag-uutos sa amin na focus sa trabaho at hindi pamumulitika, sino ba talaga ang nambubudol?” saad ni Castro.

Matatandaang nagbigay ng mga komento at pahayag si VP Sara tungkol sa administrasyong Marcos, Jr., at sitwasyon daw ng bansa matapos ang kaniyang naging pagdalo sa isang Free Duterte Rally sa Australia noong Linggo, Hunyo 23, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nasa Australia para sa 'personal trip'

BASAHIN: PBBM admin 'insecure' kaya pinaaresto si FPRRD!— VP Sara