December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

'Runaway cow!' Bakang nakawala sa kulungan, lumangoy ng 2km sa dagat!

'Runaway cow!' Bakang nakawala sa kulungan, lumangoy ng 2km sa dagat!
Photo courtesy: Contributed photo

Nauwi sa habulan sa gitna ng dagat ang dapat sana'y palarong Juego del Toro matapos makawala ang isang baka at lumangoy ng halos dalawang kilometro sa dagat ng Masbate.

Ayon sa mga ulat, nasa maninipis na bakod lamang sa Matayum Lagoon sa Cataingan, Masbate nakakulong ang bata nang bigla itong nagtatakbo at tuluyang nakawala.

Mabilis namang sumakay ng bangka ang mga kawani ng Disaster RIsk Reduction and Management (DRRM) na mula sa ilang probinsya sa Bicol.

Tinatayang tumagal pa ng hanggang 30 minuto ang paghabol ng mga awtoridad sa baka dahil sa paglangoy pa nito palayo sa kanilang bangka. 

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa insidente habang ligtas ding nahuli pabalik ng pampang ang naturang baka.