December 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

PDP-Laban, umapela sa Korte Suprema ng recount para sa senatorial votes

PDP-Laban, umapela sa Korte Suprema ng recount para sa senatorial votes
Photo Courtesy: Jimmy Bondoc (FB)

Nagsadya sa Korte Suprema ang legal representative ng PDP-Laban na si Atty. Israelito Torreon kasama si Atty. Jimmy Bondoc para maghain ng mosyon kaugnay sa 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post ni Torreon nitong Lunes, Hunyo 23, sinabi niyang inihain umano nila ni Bondoc ang nasabing mosyon upang manawagan ng manual recount sa senatorial votes.

Aniya, “Tuloy po ang Laban Ng PDP Laban upang magkaroon Ng malinis na halalan para sa ating bayan.”

“Back in the Supreme Court, fighting the good fight against electoral anomalies. Prayers appreciated,” sabi naman ni Bondoc sa kaniya ring Facebook post.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Matatandaang isa si Bondoc sa mga kumandidatong senador na bahagi ng "DuterTEN" na nasa ilalim ng PDP-Laban ngunit bigong nakapasok sa Magic 12.

MAKI-BALITA: Jimmy Bondoc sa pagkatalo: 'Tuluyang laban ay pagtatanggol sa bayan mula sa kasamaan!'