December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Klarisse kaaliw sagot sa mga nagsasabing sila ni Shuvee ang 'Big Winner they never had'

Klarisse kaaliw sagot sa mga nagsasabing sila ni Shuvee ang 'Big Winner they never had'
Photo courtesy: Screenshot from Unang Hirit (YT)

Laughtrip ang naging pahayag ng tinaguriang "Nation's Mowm" at evicted celebrity housemate ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" na si Klarisse De Guzman, hinggil sa mga nagsasabing sila ng ka-duo na si Shuvee Etrata ang kanilang "Big Winner they never had."

Matatandaang na-evict ang magka-duo matapos matalo sa public votes sa mga kapwa nominadong sina Dustin Yu at Bianca De Vera (DustBi) at AZ Martinez at River Joseph (AzVer).

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

KAUGNAY NA BALITA: 'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Naging emosyunal din ang housemates, lalo na ang mga "anak" ni Klang sa loob ng PBB House na sina Esnyr at Will Ashley. Willing naman daw ibinigay nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang kanilang slot sa ShuKla dahil naniniwala silang parehong deserving ng dalawa na mapabilang sa Big Night.

KAUGNAY NA BALITA: Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse

KAUGNAY NA BALITA: PBB housemates, bumuhos emosyon sa pagbabalik ng ShuKla

Kaya nang matanong ni "Unang Hirit" host Shaira Diaz si Klarisse kung ano ang mensahe niya sa mga taong nagsasabing sila ni Shuvee ang "Big Winner they never had," sagot ng singer, "Maybe you're the voters that we never had."

Napatawa naman sa hirit na ito sina Shuvee at Shaira.

Pero sa seryosong mensahe, sinabi ni Shuvee na hanggang ngayon daw ay "overwhelmed" siya sa mga nagsasabing isa siya sa mga itinuturing nilang Big Winner.

Sey naman ni Klarisse, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natatanggap nilang papuri at magagandang salita mula sa mga tao at nababasa nila sa social media. Nagpasalamat si Klarisse sa lahat ng mga naniniwala sa ShuKla at sana raw, huwag silang magsawa.

Bongga ang unang guesting ni Klang sa Unang Hirit dahil talagang sinalubong pa siya ng mga tagahanga niya at napaglutuan pa niya ng munggo ang UH hosts.