December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

‘Huli sa akto!’ Pusang nakakulong, minukbang ng sawa

‘Huli sa akto!’ Pusang nakakulong, minukbang ng sawa
Photo courtesy: Contributed photo

Bumulaga sa ilang residente ng isang bahay sa Tacloban ang sinapit ng kaniyang alagang pusa, matapos nila itong matagpuang naisubo na ng isang sawa.

Ayon sa mga ulat, nasa loob pa ng kulungan ng pusa ang sawa nang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Region 8. Hinihinalang na-corner ng sawa ang pusa sa loob ng kulungan nito.

Nai-turn over na ang sawa sa sa mga awtoridad matapos itong mapagkamalang patay dahil sa hindi nito paggalaw habang nakabara sa kaniyang bibig ang katawan ng pusa. Samantala, bigong masagip nang buhay ang pusa.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van