Nagbigay ng paalala si Pope Leo XIV sa posibleng maging epekto ng digmaan sa mundo.
Sa X post ng Santo Papa noong Linggo, Hunyo 22, sinabi niyang pahihirapan lang ng giyera ang malalim na sugat na idudulot nito sa sangkatauhan.
Aniya, “War does not solve problems; on the contrary, it amplifies them and inflicts deep wounds on the history of peoples, which take generations to heal.”
“No armed victory can compensate for the pain of mothers, the fear of children, or stolen futures,” dugtong pa ni Pope Leo XIV.
Kaya hiling ng Santo Papa, mapatahimik sana ng diplomasya ang mga armas-pandigma.
“May nations chart their futures with works of peace, not with violence and bloodstained conflicts!” pahabol pa niya.
Matatandaang binomba ng Amerika ang tatlong nuclear sites ng Iran noon ding Linggo, Hunyo 22.
MAKI-BALITA: US, inatake 3 nuclear sites ng Iran —Trump
Matapos ito ay binalaan ni U.S. President Donald Trump ang Iran sa mas matindi pa nitong sasapitin sakaling resbakan ang Amerika sa ginawa nilang pag-atake.
MAKI-BALITA: Iran, makakatikim ng mas matinding puwersa kapag gumanti sa Amerika —Trump