December 14, 2025

Home BALITA Metro

Gatchalian, itinangging nabudol sila ni 'Imburnal Girl'

Gatchalian, itinangging nabudol sila ni 'Imburnal Girl'
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT), DSWD (FB)

Nagbigay ng tugon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kaugnay sa mga komentong nagsasabing naisahan umano sila ni Rose o kilala rin bilang “Imburnal Girl.”

Sa latest episode ng One News interview na “The Long Take” noong Linggo, Hunyo 22, sinabi ni Gatchalian na hindi raw sila nabudol ni Rose.

“First of all, hindi kami nabudol. [...] Kasi we have this running program called ‘Pag-abot Program.’ ‘Pag-abot’ since 2023 when I joined the department, ang instruction ng presidente walang pamilyang Pilipinong nakatira dapat sa lansangan,” saad ni Gatchalian.

Ayon sa kalihim, prayoridad umano talaga ng pangulo na palawakin ang social protection lalong-lalo na sa mga kapos sa buhay.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“So, ano ‘tong ‘Pag-abot?’” pagpapatuloy ni Gatchalian. “We have 100 plus social workers. 24/7 going around Metro Manila reaching out to the families or individuals to see situations. So no matter who you are basta nakatira ka sa kalsada [...] lalapitan ka namin, kukumbinsihin ka namin [na] sumama sa amin.”

Dagdag pa niya, hindi raw sila nabudol dahil dumaan umano si Rose sa assessment ng social workers. Hindi rin umano isang bultuhang ibinigay kay Rose ang ₱80,000 na tulong ng ahensya na ipupuhunan nito para sa sisimulang sari-sari store.

“Hindi one time big time ‘yon. Pera, pero sasamahan ka namin para make sure do’n mapunta [sa sari-sari store],” anang kalihim.

Matatandaang maraming naghimutok matapos matuklasan ng publiko ang pagbibisyo umano si Rose.

MAKI-BALITA; Imburnal Girl, nagbibisyo: 'Hindi naman araw-araw!'

Ngunit depensa ng DSWD, hindi umano nila dinidiskrimina ang mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa kalsada na kanilang tinutulungan.

MAKI-BALITA: Para sa ‘better version?’ Imburnal girl, isasailalim sa rehab