December 19, 2025

Home BALITA National

DOTr: LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay para sa seafarers sa Hunyo 25

DOTr: LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay para sa seafarers sa Hunyo 25
Photo courtesy: via MB

Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes na magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa seafarers sa Hunyo 25, Miyerkules.

Sa abiso ng DOTr, nabatid na ang free rides ay bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.

"LIBRENG SAKAY PARA SA MGA MARINO SA DAY OF THE FILIPINO SEAFARER! Sa pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Department of Transportation (DOTr) Railway Sector, magkakaroon ng libreng sakay para sa mga marino sa darating na Miyerkules, 25 June 2025, bilang selebrasyon ng Day of the Filipino Seafarer,” abiso pa ng DOTr.

Nabatid na ang LRT-2 ay magkakaloob ng libreng sakay para sa mga marino mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

National

Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin

Samantala, ang MRT-3 naman ay magkakaloob ng libreng sakay, simula 5:30AM hanggang matapos ang kanilang operasyon.

Ayon sa DOTr, upang maka-avail ng libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga marino na ipakita ang kanilang balidong Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarer’s Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB).