December 13, 2025

Home BALITA National

DOE, oil companies pinag-usapan na pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo

DOE, oil companies pinag-usapan na pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo
Photo Courtesy: via MB

Nagkaroon na umano ng diyalogo sa pagitan ng Department of Energy (DOE) at oil companies kaugnay sa magiging pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo bunsod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Sa pahayag na inilabas ng DOE nitong Lunes, Hunyo 23, masaya nilang ibinabalitang positibo umano ang naging tugon ng mga kompanya sa hiniling nila upang protektahan ang sambayanan mula sa biglang pagsirit ng presyo ng langis.

“Our dialogue with industry players today reflects our shared commitment to balance economic realities with the need to shield our people from sudden price shocks, and we are pleased to report that they have responded positively to our request," saad ni Officer-In-Charge Sharon S. Garin.

Dagdag pa niya, “We have also urged oil companies to increase the number of their retail stations offering fuel discounts to the transport sector."

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Ayon sa ahensya, isa umano itong paraan upang pagaanin ang pasan ng bulnerableng sektor pagdating sa ganitong problema. Palalawagin pa umano nila ang pag-uusap higgil dito sa darating na Miyerkules, Hunyo 25.

Sa ngayon, papatak  ang presyo ng gasolina kada litro sa ₱55.90. Samantala, ₱53.40 naman kada litro sa diesel at ₱70.22 per litro sa kerosene.

Inirerekomendang balita