December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Di lang siya trabaho!' Gabbi Garcia nasa-sad dahil sa PBB, bakit nga ba?

'Di lang siya trabaho!' Gabbi Garcia nasa-sad dahil sa PBB, bakit nga ba?
Photo courtesy: Gabbi Garcia (IG)

Usap-usapan ang "3AM Thoughts" ni Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Kapuso host Gabbi Garcia patungkol sa magtatapos na nilang reality show.

Para kasi kay Gabbi, na-attach na ang damdamin niya sa nabanggit na Kapamilya show, at hindi lang daw ito basta trabaho para sa kaniya.

"3am thoughts; iniisip ko palang na matatapos na yung PBB season na ‘to, nasasad na ko Hosting this show became such a core memory. ‘Di lang siya trabaho, it’s a journey that gave me growth, purpose, and so much heart," aniya.

Kaya wish niya, "Sana magkaroon pa ng chance to host another season, kasi grabe na yung attachment at pagmamahal ko sa show na ‘to thank you din sa pbb fans sa pag tanggap sakin "

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

Photo courtesy: Screenshots from Gabbi Garcia (X)

Samantala, sa Hulyo ang nakatakdang Big Night at magkakaalaman na kung sino ang kauna-unahang Kapamilya at Kapuso celebrity duo na magiging Big Winners sa edisyong ito.