Nanawagan si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa isang airline company para idulog ang concern niya sa nangyari sa kaniyang bike frame.
Sa latest Facebook post ni Alden nitong Lunes, Hunyo 23, ibinahagi niya ang larawan ng napinsalang bike frame niya habang sakay ng eroplano pauwing Pilipinas.
“Shoutout to [Cathay Pacific] for fracturing my bike frame and unloading my bikebox and bike rack on my home to the Philippines,” saad ni Alden.
Dagdag pa niya, “Please do something about this.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Fix it the pinoy way.. epoxy!"
"it's not about the price. may sentimental value yan ke Alden. kaya yan nagpost. kaya nian bumli ng another 10. pero baby nia yan kaya nga sinama pa nia sa US yan."
"They also broke the wheels of my luggage "
"Hope you have insurance"
"An expensive bike needs a proper bike case. Maybe BikeBoxAlan would’ve protected that Colnago."
"I know someone working in Cathay. I already forwarded your post to him."
"Hindi porket mayaman, wala nang karapatang magreklamo"
Sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o tugon ang nasabing airline company hinggil sa isyung idinulog ni Alden. Bukas ang Balita sa kanilang panig.