December 13, 2025

Home BALITA

PBBM admin 'insecure' kaya pinaaresto si FPRRD!— VP Sara

PBBM admin 'insecure' kaya pinaaresto si FPRRD!— VP Sara
Photo courtesy: File photo

Muling nagbigay ng komento si Vice President Sara Duterte sa naging pag-aresto noon sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC). 

Sa kaniyang pagdalo sa Free Duterte Rally sa Australia nitong Linggo, Hunyo 22, 2025, iginiit ni VP Sara na pawang politically motivated daw ang ginawang pag-aresto sa kaniyang ama na sumabay umano sa campaign period para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

BASAHIN: House Spox Abante, may banat sa personal trip ni VP Sara: ‘Dapat para sa taumbayan’

“Politically motivated. Panahon yun ng kampanya. Panahon yun na nagsisimula si Pangulong Duterte lumabas para mangampanya sa kaniyang kandidato ng PDP,” anang Pangalawang Pangulo.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Giit pa ni VP Sara, insecure raw ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung kaya’t binalingan nito ang dating Pangulo.

“Dahil mayroon tayo na insecure na administration. Na ang gustong gawin ay magtro ng ibang tao sa kawalan at kamalian nila ay hinila nila si Pangulong Duterte para hindi siya makakampanya para sa kaniyang mga kandidato,” saad ni VP Sara.

Matatandaang noong Marso 12 pa nananatili sa the detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD