December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Modus? Netizen nagpaalala, i-check muna resibo bago umalis sa pinagbilhan

Modus? Netizen nagpaalala, i-check muna resibo bago umalis sa pinagbilhan
Photo courtesy: "Gen" (FB)

Nasubukan mo na bang magbayad ng mga binili mong items na hindi muna tinitingnan kung tama ba ang mga nakalagay sa resibo?

May paalala sa publiko ang netizen na si "Gen" matapos siyang makaranas ng tila "panloloko" sa isang shop na napagbilhan nila ng mga materyales sa motorsiklo ng kanilang tricycle.

Batay sa kaniyang post, iba raw ang mga items at presyong nakalagay sa resibong ibinigay sa kaniya kaysa sa mga aktuwal na binili nila, kaya ang siste, mas malaking halaga ang binayaran nila ng kaniyang mister.

Photo courtesy: Screenshot from 'Gen' (FB)

"Intentional ba o unintentional? Di ka pa talaga nag sorry noh. Anong Ibig sabihin nito?" mababasa sa kaniyang Facebook post, Linggo, Hunyo 22.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

"For AWARENESS! sa mga bumibili ng pyesa ng motor ugaliin ninyo tingnan ang palagi ang resibong binigay sa inyo ng tindahang pinagbilhan ninyo. Hindi mo namamalayan iba pala ang nasa resibo kesa sa mga piyesang hawak hawak mo," kuwento niya.

"Tulad nang nangyari sa amin kahapon, bumili kami ng 2 shock at isang horn. Medyo kinabahan ako bakit parang mahal ata eh gasino lang naman nabili namin. Pero dahil nagmamadaling mapagawa yung motor di na pinansin ang resibo."

"Pero dahil hindi akma ang size ng shock na nabili binalik ito at pinapalitan. Matapos magawa ang motor habang naglu- lunch kami sa Jollibee naisipan kong hingin kay mr. ang resibo ng mga binili namin. Hindi na daw binalik nung cashier.Pero di ko alam kung anong naramdaman din ni Mr. bakit pinicturan niya ang resibo bago binigay sa cashier."

"Ayun natuklasan namin na may NMAX tire na di naman namin binili pero isang shock lang ang nakalagay sa resibo. Maliit lang naman na halaga ang naibalik sa amin. Pero mahirap kitain ang halagang 200+ ng isang nagta- tricycle."

"Iniisip ko rin kung hindi kami babalik sa tindahan na iyon eh baka marami pa siyang mabiktima. Naghihintay ako magsorry siya pero di niya ginawa."

"Ano ngayong isipin ko? ISA ITONG MODUS!!!" dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ay naku marekoy, buti na share mo ito para matigil na kalokohan nila"

"Marami na talaga manloloko sa panahong ito,kaya ingat2 lang."

"Boti wala akong motor sana biktima den ako , kalabaw lang sa aken"

"True mam gen need Po tlg n bago umalis s binibilhan magcheck Po Ng resibo Ako namn Po s SM twice. Una Po nuttela tag price 299 s resibo 335 binalik ko Po agad s costumer service. 2nd Po cooking oil store tag 217 pag s resibo 300 plus binalik ko Po kaya narerefund. Dun ko Po ntuklasan n Kun ano Po ung nktag un Po Ang susundin kahit iba Po s pag punch."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Gen, ibinahagi niya ang post upang magsilbing awareness sa lahat ng mga customer na ugaliing mag-check muna ng resibo bago bayaran ang mga pinamili.

"Ang post ko kasi ay [para] ma-aware ang tao sa receipt na natatanggap kung nagma-match sa binili nila. Kawawa rin si cashier kung masibak sa work," aniya.