Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na tanging nanay lamang nila nina Davao Rep. Paolo "Pulong" Duterte at Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte na si Elizabeth Zimmerman ang matatawag na babaeng nagmamay-ari sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay kasi ito sa mga tsikang umaaligid ngayon sa pagkakaroon umano ng ibang babaeng karelasyon ni Digong, maliban sa kaniyang common-law partner na si Honeylet Avanceña, na nanay naman ni Veronica "Kitty" Duterte.
Ayon sa Pangalawang Pangulo sa naganap na "Free Duterte Now" event sa Melbourne, Australia, Linggo, Hunyo 22, tanging si Zimmerman lamang ang "legal wife" ng kanilang ama, kahit na hiwalay na sila ngayon. Ang mga sumunod na karelasyon niya ay tanging "girlfriends" lamang.
Dahil dito, sadya raw "matalino" talaga ang ama.
"Talino talaga 'tong si President Duterte. Hindi siya nag-asawa ulit. No'ng sila ay naghiwalay ng nanay ko, hindi na siya nag-asawa ulit. And therefore ngayon, wala sa kanila ang makapagsabi na siya ang puwedeng pagmamay-ari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil lahat sila, ay pare-parehong girlfriend lang," aniya.
Matatandaang kamakailan lamang ay naugnay ang pangalan ni Cagayan de Oro Councilor Joyleen "Girlie" Balaba sa dating pangulo.
Samantala, usap-usapan naman ang naging post ni Kitty hinggil sa isang dating associate o malapit sa kaniyang ama, na umano'y naninira laban sa dating pangulo.
"It has come to our attention that a certain individual that has formerly worked or has been associated with my father, PRRD, has been making claims about the duties that they have performed for him. Some of the details even include trying to act as his partner, in order to gain access, and visit him to get information, to be used for some unkind purpose," pahayag ni Kitty sa kaniyang social media posts noong Biyernes, Hunyo 20.
Giit pa ni Kitty, kung nagagawa raw palampasin ng kaniyang inang si Honeylet Avanceña, common law partner ni FPRRD, ang ginagawa ng nabanggit na associate, siya raw ay hindi niya palalampasin ang nabanggit na behavior.
"Do your “friends”know about the inappropriate messages you sent PRRD? Well, your family does. To this certain individual, I am telling you that if my mother has been tolerating your behavior, I will not. We have totally different temperaments and should you show that audacity you have, you come up to me," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Kitty sa 'naninira' kay FPRRD: 'If my mother has been tolerating your behavior, I will not!'