Kinumpirma ng mga awtoridad sa Iran na isang lalaki ang binitay nila bunsod umano ng akusasyon sa kaniya bilang spy mula sa Israel.
Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, nitong Linggo, Hunyo 22, 2025, sa pamamagitan ng bigti ang isinagawang bitay, batay sa proseso ng criminal procedure ng Iran na siyang kinumpirma raw ng kanilang Korte Suprema matapos mapatunayang nagbibigay daw ng sensitibong impormasyon ang akusado sa tropa ng Israel.
Batay pa sa mga ulat, ilang indibidwal na raw ang inaaresto ng Iranian government dahil sa mga suspetsa ng pagiging espiya sa pagpapatuloy ng kanilang hidwaan laban sa Israel.
Samantala, noong Sabado, Hunyo 21, nang kumpirmahin ni US President Donald Trump ang pambobomba nila sa ilang nuclear sites ng Iran—bagay na siniguro ng mga awtoridad ng Iran na igaganti umano nila ang nasabing aksyon sa Israel na siyang primaryang ally ng US.