December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kumakalat na larawan ni Jericho, ginagamit sa panloloko

Kumakalat na larawan ni Jericho, ginagamit sa panloloko
Photo Courtesy: Jericho Rosales (IG)

Nagbigay ng babala ang management ng aktor na si Jericho Rosales kaugnay sa kumakalat niyang larawan na ginagamit sa panloloko ng tao.

Sa latest Instagram post ng nagngangalang Pinky Tady-Angodung noong Sabado, Hunyo 21, mababasa ang pahayag kung saan nakasaad na wala umanong kaugnayan si Jericho sa mga website at Facebook page na gumagamit sa larawan ng aktor.

"The ad in question is a DEEPFAKE and was created without the consent of Jericho or his management,” sabi sa pahayag.

Dagdag pa rito, "We urge everyone to remain vigilant and help us report these pages to Facebook. If you come across similar misleading ads, please do not engage and report them immediately.”

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Sa ngayon, tinatasa pa umano ng management ni Jericho ang nararapat na hakbang laban sa ilegal na gawaing ito.