January 04, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iran, makakatikim ng mas matinding puwersa kapag gumanti sa Amerika —Trump

Iran, makakatikim ng mas matinding puwersa kapag gumanti sa Amerika —Trump
Photo Courtesy: Donald Trump (FB), Freepik

Binalaan ni United States (US) President Donald Trump ang bansang Iran na makakatikim ito ng mas matinding puwersa kapag gumanti sa Amerika.

Sa isang social media post nitong Linggo, Hunyo 22, sinabi ni Trump na higit pa sa ginawa nilang pag-atake ngayon ang masasaksihan ng mundo sakaling rumesbak ang Iran sa susunod. 

"ANY RETALIATION BY IRAN AGAINST THE UNITED STATES OF AMERICA WILL BE MET WITH FORCE FAR GREATER THAN WHAT WAS WITNESSED TONIGHT,” saad ng pangulo ng US.

Nangyari ang naturang banta ni Trump matapos ang pag-atake ng US sa tatlong nuclear sites ng Iran.

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

Kabilang sa naturang mga nuclear site na inatake ng US sa Iran ang Fordow, Natanz, at Isfahan.

Ang pangyayaring ito ay sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at ng bansang Israel.

MAKI-BALITA: US, inatake 3 nuclear sites ng Iran —Trump