December 14, 2025

Home BALITA Metro

Gusto rin ng ₱80k? 2 lalaki, sinagip mula sa loob ng imburnal

Gusto rin ng ₱80k? 2 lalaki, sinagip mula sa loob ng imburnal
Photo courtesy: Screenshots from Jhay Ar Almeniana (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang dalawang lalaking sinagip ng mga sibilyan at awtoridad na na-trap sa loob ng imburnal sa isang kalsada sa Quezon City, habang bumubuhos ang malakas na pag-ulan.

Sa ulat ng News5, nakuhanan ng video ni "Jhay Ar Almeniana," isang concern netizen, ang pag-rescue sa dalawang lalaking nasa loob ng imburnal sa kalsada sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Humingi raw ng tulong ang dalawang lalaki mula sa mga nagdaraang sibilyan upang maiahon sila.

Hindi naman napigilan ng mga netizen na mapaisip kung bakit nasa loob ng imburnal ang dalawang lalaki. Muli nilang naalala si "Imburnal Girl" na biglang lumabas sa isang drainage sa Makati City at tinulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nabigyan pa ng grocery items para sa kaniyang balak na pagtatayo ng tindahan.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

KAUGNAY NA BALITA: DSWD, nanawagang 'wag i-bash si 'Imburnal Girl' dahil sa ₱80k

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Bigyan ng 160k hahaha"

"Naku mukhang napanood ko na 'to ah..."

"hahahah tindi 80k isa nyan hahHaha"

"Anyare haha"

"Hala buti nasagip sila, bumabaha pa naman diyan."

Ngunit, ayon umano sa Quezon City Police District (QCPD), kinontrata raw ang dalawa para ayusin ang sirang tubo ng tubig sa imburnal, subalit bigla raw umulan at tumaas ang tubig sa loob ng kanal kaya napilitan silang humanap ng butas na malalabasan.

Mabuti na lamang daw at nakita sila ng mga dumaraan sa nabanggit na lugar kaya agad silang na-rescue.