Naglabas ng pahayag ang De La Salle University (DLSU) Tañada-Diokno School of Law kaugnay sa estudyante nilang pumanaw matapos maiulat ang pagkawala nito.
Sa latest Facebook post ng DLSU Tañada-Diokno School of Law nitong Linggo, Hunyo 22, sinabi nilang nagdadalamhati umano sila at nakikiramay sa pamilya ng estudyante na kinilalang si “Anthony.”
“School administrators have been in contact with the family since the student was first reported missing, and guidance counselors are in constant communication with the classmates,” saad ng Tañada-Diokno School of Law.
Dagdag pa nila, “We call on the community to unite as a family as we continue to pray during this time of profound grief.”
Matatandaang unang naibalita ang pagkawala ni Anthony noong Linggo ng Hunyo 8.
Hindi na nagbigay pa ng detalye ang utol ni Anthony na si Ricky Granada kaugnay sa sinapit ng kaniyang kapatid bagama’t ayon sa initial findings ng mga awtoridad ay wala umanong foul play na nangyari.
Samantala, umapela naman si Ricky ng privacy sa publiko upang makapagluksa sila sa pagkamatay ni Anthony.
MAKI-BALITA: Nawawalang 25-anyos na law student, natagpuang patay na