December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Concert ng BINI sa Vancouver, matumal?

Concert ng BINI sa Vancouver, matumal?
Photo Courtesy: BINI (FB)

How true ang kumakalat na tsikang mahina umano ang ticket sales ng concert ng Nation’s girl group na BINI sa Vancouver, Canada?

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Sabado, Hunyo 21, nakarating umano sa kaalaman nila na as of June 20, 70% lang umano ang naokupa sa UBC Doug Mitchell Thunderbird Sports Centre.

Kapansin-pansin umano sa lay-out ng venue na ipinakita sa kanila na maraming bakanteng upuan sa itaas habang sa baba naman—kung saan mura ang presyo ng ticket—ay halos puno na.

Tila hindi naman daw ito nakapagtataka dahil may kamahalan talaga ang presyo ng ticket sa concert ng BINI na pumapalo ng C$36 hanggang C$239.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Matatandaang Disyembre 2024 nang inanunsiyo ng Nation’s girl group ang ang nakatakda nilang world tour ngayong 2025. In fact, naghayag pa nga ng excitement ang fans nila na kung tawagin ay Blooms.

MAKI-BALITA: Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Nagsimula ang kick-off ng world tour sa Philippine Arena noong Pebrero at sa Vancouver ang huling yugto ng kanilang concert.

Samantala, hindi pa naman naglababas ng anomang pahayag ang management ng BINI hinggil sa intrigang ito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.