Ibinahagi ni comedy genius Michael V. o kilala rin bilang “Bitoy” ang klase ng pagpapalaking ginawa sa kanila ng mga magulang nila.
Sa latest episode ng “Your Honor” kamakailan, sinabi ni Bitoy na bagama’t hindi sila mayaman, hindi umano niya naramdamang mahirap ang pamilya niya.
Aniya, “Siguro ang galing lang magtago ng magulang namin. Hindi mo talaga mararamdaman kasi pantay-pantay kayong magkakapit-bahay.”
“Iisa ‘yong hitsura ng bahay ninyo, iisa ‘yong eskwelahang pinapasukan ninyo. Tapos hindi naman nagkakalayo ‘yong mga pagkaing kinakain ninyo,” dugtong pa ni Bitoy.
Ayon sa comedy genius, pareho raw sila ng misis niyang lumaki sa Tondo ngunit hindi naramdaman ang hirap.
“Kapag maganda talaga ‘yong pagpapalaki sa ‘yo, hindi mo mararamdaman ‘yong hirap,” aniya.