December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

ACT Teachers, kinondena pagsalakay ng US at Israel sa ilang bansa sa Middle East

ACT Teachers, kinondena pagsalakay ng US at Israel sa ilang bansa sa Middle East
Photo Courtesy: ACT Teachers Party-list (FB), Associated Press via MB

Binweltahan ng ACT Teachers Party-list ang malawakang pambobomba ng Amerika at Israel sa Iran at sa panggigiyera umano ng mga ito sa iba pang bansa sa Middle East tulad ng Palestine, Yemen, Lebanon, at Iraq.

Sa latest Facebook post ng ACT Teachers nitong Sabado, Hunyo 22, sinabi nilang banta umano sa soberanya ang galaw na ito ng Amerika at Israel para sa mga bansang naghahangad ng kalayaan.

“Ang militaristikong agresyon ng US-Israel sa Iran at ang henosidyo nito sa Palestine ay senyas ng kanilang desperasyon para panatilihin ang kapangyarihan at kontrol nito sa ekonomiya at teritoryo ng mga bansa sa mundo. Banta ito sa soberanya ng mga bansang hangad ang kanilang ganap na kalayaan,” anang grupo.

Dagdag pa ng ACT Teachers, “Sa dumadausdos na ekonomiya ng ating bansa, higit lalong kakaladkarin nito ang kabuhayan ng milyon-milyong Pilipino sa paparating na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis.”

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Kaya naman kahit malayo umano ang Pilipinas sa  Palestine at Iran, mahigpit na nakikiisa ang grupo sa mamamayan ng mga bansang ito.

MAKI-BALITA: US, inatake 3 nuclear sites ng Iran —Trump