December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

57-anyos na driver, piniling manirahan sa pinamamasadang jeepney para tipid

57-anyos na driver, piniling manirahan sa pinamamasadang jeepney para tipid
Photo courtesy: Santi San Juan (MB)

Kinaantigan ng mga netizen ang isang 57 taong gulang na jeepney driver na natutulog at naninirahan sa kaniyang pinamamasadang jeepney upang makatipid.

Sa ulat ng Manila Bulletin, nakuhanan ng larawan ni Santi San Juan ang jeepney driver na si Rodolfo Gabatino, tubong Nueva Ecija, na nagluluto ng kaniyang pagkain habang nakahimpil sa isang terminal sa Quezon City, Linggo, Hunyo 22.

Sa panayam sa kaniya, sinabi ni Gabatino na ginagawa raw niya ang lahat upang makatipid at makapag-impok ng pera. Kaya naman, pinili na lamang niyang manirahan sa kaniyang jeepney upang makatipid ng ₱4,000, na presyo ng mga karaniwang bedspace ngayon.

Mula sa lalawigan a nakipagsapalaran si Gabatino sa Metro Manila upang maghanapbuhay at matustusan ang pangangailangan ng pamilya. May apat siyang anak na nag-aaral, na nakikita na lamang niya kapag may espesyal na okasyon.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Aniya, sapat lamang daw ang kinikita niya sa pamamasada, kaya ang nakaambang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa sigalot sa Middle East ay lubhang mahirap na para sa kaniya.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nakakaproud ang ganitong ama! God bless po tatay!"

"Kaya hindi mo din masisisi yung ibang OFW na ayaw munang umuwi kahit nagkakagulo na sa host countries nila,malamang ayaw nilang magaya sa ganitong sitwasyon..."

"Practical yan tama pwede ka naman makatulog ng mahimbing sa loob ng jeep problema lng kng saan sya maligo at mag ayos. Diskarte lng din yan at dapat safe ung lugar na paradahan mo."

"Ito yung mas deserving sa 80k."

"Diskarteng Pinoy, laban lang!"

"Eto yun dapat tinutulungan ng DSWD. Un mga taong tinutulungan din sarili nila para maka ahon sa hirap ng buhay. Hindi yun taong nakalabas lang sa imburnal tapos may instant 80k na."