Naeskandalo ang mga netizen sa isang larawan ng umano'y "mirror selfie" na ibinahagi sa isang Facebook account na nakapangalan kay "Patrick Bernardino," na inireklamong mister ng social media personality na si Meiko Montefalco.
Makikita sa larawan ang mirror selfie ng umano'y si Patrick habang sa harapan niya, makikita ang isang babaeng may tapis ng tuwalya.
"Surprise," tanging caption ng post.
Ibinahagi naman ito sa Facebook account na nakapangalan kay Meiko, at mababasa ang caption na "Sagot ko na bagong salamin at lababo."
Hindi naman tinukoy ang pangalan o pagkakakilanlan ng nabanggit na babae.
Matatandaang nagulantang ang social media noong Mayo sa mga pasabog ni Meiko matapos niyang isiwalat ang umano'y panloloko sa kaniya ng mister na si Patrick.
Kalat at pinagpiyestahan ang hayagang pangongompronta ni Meiko kay Patrick, na aniya, ay nagawang "sumalisi" sa umano'y kabit nito, habang siya ay nasa Boracay.
Direkta pang tinanong ni Meiko si Patrick kung "kinain" ba nito ang kiffy ng kabit, bagay na ikinaloka lalo ng mga netizen.
Paglilinaw ni Meiko, ginawa niya ang video recording sa naganap na komprontasyon upang magkaroon ng sapat na ebidensya laban sa asawa.
Hindi pala ito ang unang beses na may insidente ng umano'y cheating laban sa kaniya ang mister.
"I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything," saad ni Meiko.
Nakipagbalikan daw siya noon kay Patrick alang-alang sa kanilang anak upang hindi ito masira. Pero sa pagkakataong ito, tila hindi na raw palalagpasin ni Meiko ang lahat at hindi na babalikan ang mister.
KAUGNAY NA BALITA: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!
Willing daw magbayad sa mga netizen ang social media personality na makatutulong sa kaniya sa paghahanap ng ebidensya laban sa mister, matapos ang pagsisiwalat niya sa umano'y ginawa nitong panloloko sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Keri magbayad! Meiko, nagpapahanap ebidensya kontra umano'y naglokong asawa
Sa mga nagdaang araw ay nahimatay pa si Meiko habang nagsasagawa ng Facebook Live, dahil daw sa sunod-sunod na stress at pagod na inabot niya kaugnay ng marital problems.
KAUGNAY NA BALITA: Meiko Montefalco, nahimatay habang naka-live sa social media
Ibinahagi rin ng mga kaibigan ni Meiko sa TikTok ang nabanggit na nakakaeskandalong larawan.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Patrick tungkol sa kontrobersiyang ito.