Nagbigay na ng pahayag si ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata kaugnay sa real-score nila ni Anthony Constantino.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” noong Biyernes, Hunyo 20, sinabi ni Shuvee na nanliligaw umano sa kaniya ang model at kapuwa niya Kapuso Sparkle artist.
"Nanliligaw. Nanliligaw yon bago [pa] ako pumasok," saad ni Shuvee.
Pero dahil nakatakda siyang pumasok noon sa Bahay Ni Kuya, hindi raw muna niya sinagot si Anthony gaya na rin ng payo ng kapuwa niya ex-PBB housemate na si Ashley Ortega.
Ani Shuvee, “Sabi talaga nito [Ashley], 'Sige, sagutin mo yan, bawal! E, kasi papasok e, papasok ka. It's the worst thing you could do to a man saying 'yes' na papasok ka ng PBB.'
"Ang hirap, I can't just imagine kung mayroon kami. Kasi kahit noong nandoon ako sa loob hirap na hirap ako... wala akong something to hold on to," dugtong pa niya.
At ngayong nakalabas na siya, kikilalanin pa rin daw muna ni Shuvee si Anthony. Ipagpapatuloy pa rin umano nito ang panliligaw sa kaniya.
Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang pagsalubong ni Anthony kay Shuvee matapos ma-evict ng huli bilang celebrity housemate.
Hindi lang kasi siya basta sinalubong ni Anthony, niyakap pa siya at inabutan ng bonggang boquet!
Kaya sa Instagram post ng talent arm ng GMA Network noong Hunyo 14, kinakiligan ng netizens ang picture nina Shuvee at Anthony.
Hindi naiwasang isipin ng ilan na may namamagitan sa dalawa. Dati na kasing may lumutang na larawan si Shuvee habang karga-karga ng isang nakatalikod na lalaki sa dagat. At suspetsa ng ilan, si Anthony ang naturang lalaki!
MAKI-BALITA: KILALANIN: Sino ang boylet na sumalubong kay Shuvee Etrata pagkalabas sa Bahay ni Kuya?