Nagsalita na si ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata hinggil sa pag-nominate ni AZ Martinez sa kanila ng ka-duo niyang si Klarisse De Guzman.
Sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan, sinabi ni Shuvee na nakaramdam umano siya ng betrayal sa ginawa ni AZ.
“I felt betrayed nung time po na 'yon. Pero malaki naman po 'yong heart ko to forgive her, and we found our way back to each other naman,” saad ni Shuvee.
"Parang no’ng bumalik po ako, naging emotional po ako kasi even if it's hard for me na nangyari po sa amin iyon, na we had to part ways like that, nandoon pa rin naman po 'yong hope to form the bond again, to be okay again,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ni Shuvee, “Hinihintay ko lang po siya sa labas para po mas mapag-usapan namin."
Matatandaang inamin din naman ni AZ kasama ang ka-duo niyang si River Joseph na na-guilty umano sila kung bakit napalabas ng Bahay ni Kuya sina Shuvee at Klarisse.
“After eviction night sobrang bigat sa'kin, honestly I blame myself kung bakit umalis si Ate Klang and Shuvee,” sabi ni AZ.
Ayon naman kay River, “Feeling ko talaga ako 'yong rason kung bakit sila umalis. Harap-harapan ang nominasyon, e. Tapos kami lang ang nagbigay ng puntos sa kanila. And until now 'yon talaga ang tumatakbo sa utak ko, 'yong guilt."
MAKI-BALITA: 'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB
Pero sa kabila nito, para na rin daw “Big Winners” sina Shuvee at Klarisse dahil paglabas nila ay sinundo sila pareho ng kani-kanilang special someone.
MAKI-BALITA: OA sa kasweetan! ShuKla, 'Big Winners' sa mga sundo nila