December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Romnick Sarmenta, may tirada sa 'inosente pero 16 ang kinuhang abogado'

Romnick Sarmenta, may tirada sa 'inosente pero 16 ang kinuhang abogado'
Photo courtesy: via ABS-CBN

Usap-usapan ang cryptic X post ng aktor na si Romnick Sarmenta na bagama't walang tinukoy na pangalan, tila gets na gets naman ng netizens kung sino ang pinatatamaan.

Tungkol ito sa isang umano'y "inosente pero labing-anim ang kinuhang abogado" para sa isang kaso.

"Wala. Wala akong masabi..." saad ni Romnick sa kaniyang X post noong Hunyo 19.

"Inosente pero labinganim ang kinuhang abogado."

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

"Led by the Holy Spirit pero nagpapalaganap ng fake news."

"Tapos ng pag aabugado pero di nagbabasa ng konstitusyon."

"Nagpapabayad ng buwis pero di nagbabayad."

"Namumuno pero walang pangunguna."

"Wala talaga," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Romnick Sarmenta (X)

Hula ng mga netizen, ang tinutukoy raw ni Romnick sa "inosente pero 16 ang kinuhang abogado" ay si Vice President Sara Duterte.

Noong Lunes, Hunyo 16, ibinahagi ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol ang kopya ng Appearance – Ad Cautelam kung saan nakasaad dito na ang 16 na abogado ni Duterte, para sa impeachment trial, ay manggagaling sa Fortun Narvasa & Salazar law firm.

BASAHIN: Sino-sino nga ba ang 16 na abogadong dedepensa kay VP Sara sa impeachment trial?

Kilala si Sarmenta sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa mga isyung panlipunan at pampolitika.