Usap-usapan ang chika nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" patungkol kina Lucena City Mayor Mark Alcala at Asia's Outstanding Superstar Kathryn Bernardo.
Ang chika, isang restaurant daw ang ipinasara exclusively para magkaroon sila ng privacy sa kanilang date.
Bukod dito, kinumpiska raw lahat ng cellphones ng empleyado para maiwasang may kumuha ng photos at videos nila, at may pirmahan pa raw ng NDA o non-disclosure agreement tungkol dito!
Isa pa lang ito sa mga kumakalat na chikang nakikitang magkasama ang dalawa.
Sa isa pang chikang kumakalat, namataan naman daw ang dalawa habang magkasamang naglalakad sa Bonifacio Global City noong Hunyo 6.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Mayor Mark at Kathryn tungkol sa isyung ito.
KAUGNAY NA BALITA: Kathryn, Mayor Alcala naispatan na namang magkasama?