December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marian nanabunot, nambuhos ng softdrinks sa dating kaklase dahil sa chismax?

Marian nanabunot, nambuhos ng softdrinks sa dating kaklase dahil sa chismax?
Photo courtesy: via MB

Usap-usapan ang naging pagsisiwalat ni "Ivy Manzon-Bo" hinggil sa engkuwentro daw niya noon sa kaklaseng si Marian Rivera, noong hindi pa sikat bilang Kapuso Primetime Queen at isa sa biggest stars sa Pilipinas.

Nag-ugat ito sa naging panayam ni ABS-CBN news anchor-journalist at vlogger Karen Davila kay Marian, kung saan, naurirat ng una ang huli tungkol sa mga taong "nakaaway" niya.

Batay sa viral Facebook post ni Ivy, binuhusan daw siya ng softdrinks at sinabunutan daw siya ni Marian dahil sa maling balitang nakarating sa kaniya. Pareho raw silang dinala sa Guidance Office, nasuspinde, at natanggal sa varsity team.

Pero ayon kay Ivy, pinatawad na raw niya si Marian na madaling maniwala sa "chismax" o chismis. Ipinaliwanag ni Ivy na "good friend" niya si Marian noong nasa high school sila, subalit madaling napaniwala raw nang siraan siya ng classmate nila sa kaniya.

Tsika at Intriga

Nabunutan ng tinik! Aljur, masayang 'malaya' na mga anak nila ni AJ

Naulit pa raw ang insidente sa college subalit pinagsabihan daw niya si Marian na "High school pa lang issue na yan ngayon issue mo pa din?"

Photo courtesy: Screenshot from Ivy Manzon-Bo (FB)

Matapos kuyugin ng mga netizen ay muling nag-post si Ivy patungkol sa kaniyang mga expose laban sa kaniya.

"Ok last na to. Para sa ikatatahimik ng magulong mundo ng soc med. Sana daw di na ako nagshare, sana di ko na daw pinost, it is never my intention na manira lalo pa ng isang Marian Rivera, pader na yan sa showbiz hindi na yan kahit kailan mapapabagsak ng kahit ano pa man. My applogies if nasaktan kayo. If naging fame whore ok baka nga ciempre tangapin natin kung ano pang gusto niyo sabihin. Isang pribilehiyo ang masabunutan ni Marian no. Saka un nga tapos na un napagkwentuhan lang wag na kayong magalit kasi di naman ikakasira ng tao ung nakaraan na. Pero wala akong balak sumikat para lang sa ganyan para saan? Pacencia na sa mga nagalit at natrigger sa post. Ang dami nang chats and comments. Hindi ko na din mabasa lahat," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Ivy Manzon-Bo (FB)